KISAME BUMAGSAK SA DFA
BANTAY GOBYERNO March 17, 2010 SERIES 001
Ni Ka Iking Seneres
KISAME BUMAGSAK SA DFA
Bumagsak ang kisame ng bagong consular building ng DFA sa Macapagal Avenue noong nakaraang lunes, at mabuti na lang na lunch break pa, kaya wala namang tinamaan.
Sabay sa pagbagsak ng kisame, bumagsak din ang computer system ng consular, kaya walang magawa ang mga tao undi umuwi na lang o di kaya bumalik sa main building ng DFA sa Roxas Boulevard.
Bakit minadali ni DFA Secretary Alberto Romulo ang paglipat ng consular sa bagong building? Hindi pa nga tapos, pinilit na palipatin ang DFA staff na walang advanced notice, kaya pati tuloy ang negosyo ng cooperative sa passport photos nawala bigla. Kawawa naman nag mga miembro ng coop.
Maaring may pinapalusot si Romulo sa kanyang pagmamadali. Ayon sa aking source, 1,200 na ang bayad sa passport ngayon, dahil inutos na ni Romulo ang biglang pagpatupad ng tinatawag na e-passport.
Sa tagal na pina-plano ng DFA ang passport modernization, machine readable passport (MRP) lamang ang pumasa sa consultation at parang walang consultation itong e-passport ni Romulo. Para itong RFID na biglang pumasok sa usapan sa LTFRB na wala ring consultation.
Sino naman kaya ang supplier nitong e-passport? Dumaan kaya ito sa bidding? At bakit minadali at parang pinalusot ito ni Romulo? May kinalaman kaya ito sa fund raising ng administration? Pati ba naman DFA dinadawit pa ni Romulo sa pulitika?
Maliit lang ang suweldo ng mga rank and file ng DFA kaya malaking tulong para sa mga coop members ang income nila mula sa passport photo. Ngayon, wala na silang kita, at ang kikita na lang ay kung sino man ang pakana nitong e-passport.
Bago na ang building ng consular, ngunit mahaba pa rin ang pila. Seguro, para kay Romulo, madali sa kanyang magmadali sa paglipat, ngunit hindi niya kayang isipin kung paano maiwasan ang pila.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home