Ka Iking Libre

An online forum of development issues in the Philippines

Friday, March 19, 2010

VOTING MACHINE GAGAWING CHEATING MACHINE

BANTAY GOBYERNO March 13, 2010 SERIES 003
Ni Ka Iking Seneres

VOTING MACHINE GAGAWING CHEATING MACHINE

Nagsumbong sa akin ang IT expert na si Manny Bulatao na madali lang daw para sa mga programmers ng Smartmatic na palitan ang resulta ng bilangan sa election, kung ito ay iutos sa kanila ng kanilang mga amo o di kaya ng mga amo ng mga amo nila.

Hindi basta bastang IT expert si Bulatao dahil isa siya sa mga unang nagpatakbo ng mga malalaking computer systems dito sa Pilipinas, katulad ng mga system ng TRC at PNB. Ngayon, mas madalas siya sa Amerika dahil malaki ang bayad sa kanya ng mga kumpanya doon, upang mapakinggan ang kanyang mga seminars tungkol sa computer. Kung nakikinig at naniniwala ang mga Amerikano kay Bulatao, seguro naman ay dapat din tayong maniwala at makinig sa kanya.

Isa ako sa mga unang nagbabala tungkol sa possibility ng pandaraya sa election sa pamamagitan ng pag-gamit ng computer, ngunit tumigil na muna ako dahil marami na namang mga eksperto na nagsasalita. Ngayon na nagsalita na at nagsumbong na si Bulatao, babalikan ko na ang issue na ito.

Para sa akin, hindi na technical ang issue ngayon. Tapos na ang debate kung maari nga bang dayain ang resulta sa computer, dahil ang issue ngayon ay hindi na ang hacking galing sa labas. Ang issue ngayon ay ang hacking galing sa loob, in other words, inside job. Hindi na kailangan ng susi, hindi na rin kailangang basagin ang pinto kung may magbubukas naman ng pinto galing sa loob.

Para sa akin, ang issue ngayon ay political, at ang tanong dapat ngayon ay kung papayag nga ba ang Smartmatic na palitan ang resulta ng bilangan kung ito ay iutos sa kanila. Ang sagot diyan ay dapat mangagaling sa actual na track record ng Smartmatic, kung ano ang kanilang ginawa at nagawa sa mga contrata nila sa ibang mga bansa.

Una sa lahat, sasabihin ko muna na pinatalsik at binawi ng Nassau County sa New York State ang contrata ng Smartmatic sa kanila, kahit nalalapit na ang election doon. Ano kaya ang dahilan ng pagbawi? Ano kaya ang nalaman ng Nassau County na dapat malaman ng Comelec? In the first place, alam kaya ng Comelec ang pag-atras na ito? Hindi ba dapat na alamin man lang ito ng Comelec upang makahingi sila ng paliwanag sa Smartmatic?

Pangalawa, napakarami na ang evidence na mahilig ang Smartmatic na makipag-kutsaba sa mga client governments nila. In other words, very friendly at very accommodating sila sa mga clients nila na tinuturing nilang halos mga amo na nila. Baka naman takot silang hindi maka-kolekta kaya nila ginagawa ito.

Pangatlo, hindi American company ang Smartmatic kaya hindi ito covered ng anti-corruption laws ng America. Ang Smartmatic ay registered sa Venezuela sa South America at marami nga ang may duda na baka may kinalaman pa ito sa mga drug cartel doon. May mga nagsasabi pa na baka napaburan na nila ang mga candidates ng mga drug lord, kaya dawit na rin sila marahil sa narco-politics.

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa 09293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home