Ka Iking Libre

An online forum of development issues in the Philippines

Friday, March 26, 2010

COMELEC HINDI MARUNONG MAGBILANG

BANTAY GOBYERNO Biyernes, Marso 26, 2010 SERIES 004
Ni Ka Iking Seneres

COMELEC HINDI MARUNONG MAGBILANG

Nagsumbong si Mr. Angel S. Averia, Jr, isang IT consultant na kung lahat daw ng isang libong registered voters sa isang clustered precinct ay sisipot at boboto, aabutin daw ng 33 oras para maka-boto lahat. Ang ibig sabihin niyan, kung lahat ng registered voters ay sisipot, hindi lahat sa kanila ay makaboboto, not unless magdadagdag ng voting hours ang Comelec. In other words, tiyak na maraming botante ang lalabas na dis-enfranchised, isang malungkot na disgrasya sa isang demokratikong bansa.

Matagal nang sinasabi ng aking dating political science professor sa UP Diliman na si Dr. Claire Carlos na dapat magsagawa ng time and motion study ang Comelec upang malaman nila kung tama ba ang oras na nakalaan sa kanilang proseso. Ngayon, sinasabi na naman ni Mr. Averia na dapat nga daw magsagawa ng time and motion study ang Comelec sa pamamagitan ng isang mock election sa isang precinct, upang malaman nila kung tama ba o mali ang kanilang estimated time.

Ayon kay Dr. Carlos, nakita na ng madlang people ang nangyari noong registration period pa lang, kung saan napakahaba ng pila ng mga applicants, kaya kinulang sa oras sa bawat araw ng registration, at kinapos pa nga ng mga registration forms. Kung susundin ng Comelec ang mungkahi ni Mr. Averia, dapat isama nila ang time and motion sa delivery ng mga ballot forms, upang matiyak na hindi magkakaroon ng shortage sa supply.

Sa ngayon pa lang, parang tahimik ang Comelec sa pag-report ng status ng delivery ng mga voting machines papunta sa mga precincts. Sa usapang ito, ako naman ang nagsasabi na sa tingin ko, hindi na aabot ang complete delivery ng mga voting machines sa lahat ng mga precincts, dahil kapos na kapos na sa oras upang magawa ito.

Noong ako ay Director General pa ng National Computer Center (NCC), nagpatupad ako ng proyekto kung saan nag-deliver kami ng more than one thousand computers sa maraming parte ng Pilipinas. Inabot kami ng halos anim na buwan sa testing at acceptance pa lang, at inabot kami ng halos isang taon sa delivery dahil sa dami ng malalayong lupalop na aming pinagdalhan ng mga makina.
Inabot naman ang banking industry ng halos tatlumpong taon upang mag-install ng humigit kumulang mga 20,000 automated teller machines (ATMs) at hanggang sa ngayon, parang hindi pa rin sila tapos. Samantala, sinasabi ng Comelec na kaya nilang mag-deliver ng 82,000 machines sa loob lamang nga iilang buwan. Marunong nga kayang magbilang ng araw ang Comelec?

Sa pagbibilang na ginawa ni Mr. Averia, kung susundin daw ang procedure sa pamimigay ng balota at sa pagpasok ng mga ito sa counting machines, mga 325 lang daw na botante ang maaring bomoto sa loob ng 11 hours na allotted ng Comelec. Kung ganito nga lang ang dami ng makakaboto, ano ang mangyayari sa 675 katao na hindi makakaboto? Baka ang mangyayari nga, ang makakaboto lang ay ang mga taong kilalang boboto talaga sa mga manok ng mga nasa poder, at manigas na lang ang mga botanteng kilala na mga kalaban nila sa pulitika. Matagal nang sinasabi ni Chairman Jose Melon na hack free ang sistema ng Comelec. Assuming nga na tama siya, nakakatiyak ba siya na ito ay error free, kahit walang test na nasagawa?

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa 09293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home