Ka Iking Libre

An online forum of development issues in the Philippines

Tuesday, April 27, 2010

WALANG SCHEDULE ANG MGA BUS

BANTAY GOBYERNO Miyerkules, Abril 14, 2010 SERIES 009
Ni Ka Iking Seneres

WALANG SCHEDULE ANG MGA BUS

Nagsumbong si Mr. Alberto Cardenas na nahihirapan daw siyang mag-commute dahil wala daw siyang makitang schedule ng mga bus at iba pang mga sasakyang pang-publiko. Nag react lamang si Alberto sa sinulat ko tungkol sa National Council for Commuter Protection (NCCP) ngunit sa tingin ko, valid naman ang mga punto niya.

Ayon kay Alberto, halos wala o di kaya kulang ang mga directional signs in other words mga karatula dito sa Pilipinas para sa mga pasahero at kasama na daw ang mga safety signs kaya kawawang kawawa daw ang mga commuters dito sa atin. Hindi lamang convenience ang tinutukoy niya, pati na rin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ayon naman kay Atty. Tony Estrella, isang abogado ng NCCP, may karapatan ang mga pasahero na magkaroon ng “peace of mind” tuwing sila ay sumasakay sa mga public transport, kaya tugma naman talaga ang sinabi ni Alberto na dapat daw may security ang mga pasahero, at ang ibig niyang sabihin ay dapat daw maging panatag ang kalooban ng mga pasahero na hindi sila magiging biktima ng krimen o di kaya disgrasya habang sila ay sumasakay. Dagdag pa ni Atty. Estrella na maari daw na mag-demanda ang mga pasahero kung sa tingin nila ay nalabag ang kanilang karapatan sa kaligtasan.

Ayon naman kay Ms. Elvie Medina, ang founder ng NCCP, ito nga ang dahilan kung bakit ginawa na nilang party list ang NCCP, upang mapag-laban nila ang karapatan ng mga pasahero. Ang NCCP ay kasama na sa balota ngayong darating na election, sa numero bilang 163. Kung matutupad ang pangarap ng NCCP, maari na silang magkaroon ng mga party list sa kongreso kung saan nila dadalhin ang kanilang mga pinaglalaban.

Ayon din kay Ms. Medina, kahit noon pa na hindi pa tumatakbo bilang party list ang NCCP 163, ginagawa na nila ang tinatawag niyang “commuter education”, kung saan itinuturo ng NCCP 163 sa mga pasahero ang kanilang mga karapatan. Dagdag pa ni Ms. Medina na kahit hindi pa sila party list, nagawa na nilang mapababa ang pasahe ng dalawang beses, kaya nga daw naipako na sa ngayon ang pasahe sa 7 pesos.
As of now, parang malayo pa sa kaisipan ng DOTC ang konsepto ng paglalagay ng mga wastong directional at safety signs sa mga kalye, lalo na sa mga kalsada na dinadaanan ng mga sasakyan. Baka ang mangyayari pa nga, magtuturuan lang ang DOTC at ang mga local governments kung sino talaga sa kanila ang dapat maglalagay ng mga ito.

Mukhang malayo din sa kaisipan ng DOTC ang sinasabing “peace of mind” ng mga pasahero. Kung ganito nga naman ang situation natin, baka wala din sa kanilang kaisipan ang pagtatayo ng mga modern transport terminals. Ayon sa NCCP, hindi sila nangangako dahil hindi naman sila mga pulitiko. Mabuti na lang, nagawa na nilang mag-bigay ng mga serbisyo sa mga pasahero kahit wala pa sila sa kongreso. Ano kaya ang gagawin natin upang lumawak ang kaisipan ng DOTC?

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home