Ka Iking Libre

An online forum of development issues in the Philippines

Wednesday, May 19, 2010

FROM HONG KONG WITH LOVE

BANTAY GOBYERNO SERIES 020
Ni Ka Iking Seneres

FROM HONG KONG WITH LOVE

Ito ang sulat sa akin ni Julie Sarmiento, isang OFW sa Hong Kong: Nabasa ko po ang inyong ulat tungkol sa Bantay Gobyerno.Nakakalungkot nga po talaga na sa ating bansa maraming magagandang likas yaman pero hindi pinahahalagahan. Tama po kayo na kung magtulungan na lang at hindi magturuan ang bansang Pilipinas ay babangon sa kahirapan. Naka-kalungkot kasi pag nagbabakasyon kami diyan sa ating bansa ang sakit sa puso ang tanawin na sasalubong. Be alert po kayo sa dapat umupong President kung unrighteous uli baka wala nang pag-asa ang Pilipinas na magbago. Matakot sana sila sa dios hiling ko na sisiyasatisin ang katotohanan. Saludo po ako s inyong damdamin na nailahad ninyo sa news ng Remate Tonight. Sa akin na nakabasa lantad po ang pag-ibig ninyo sa bansa natin. Magtulungan po tayo at nawa'y mailabas ang tunay at katotohan at ang talagang pinili ng masa ang dapat maupo. Sa nangyaring dayaan sa nakalipas na eleksyon dalangin ko na ma-expose ang mga kasangkot, at mailantad ang katotohanan para sa aming pag-uwi magandang tanawin ang aming daratnan at maipagmamalaking bansang Perlas ng Silanganan. Na-touch po kasi ako sa mga sinulat ninyong malaman. Kung my pag-unawa at malasakit ang mga namumuno sa ating bansa maiintndhan nila mga nilathala ninyo. Thanks po sa life ninyo. Hayaan niyong susubaybayan ko uli ang mga susunod niyong isulat. Dalangin ko ang inyong proteksyon anumang oras ganun din po sa buong pamilya ninyo. Kayo po ang kailangan ng masa para mailantad ang saloobin namin na maliliit at simpleng mamayanan.Nakakamiss ang sariling bansa, lalo na ang pamilya, dahil sa hirap kalangan mangibang bansa. Nawa'y marami pang tulad ninyo na handang isulat sa madla ang saloobin para magising ang mga namamahala.

Matagal na akong sumusulat sa diyaryo ngunit ngayon lang ako nakatanggap ng isang liham mula sa isang reader na punong puno ng damdamin at hitik na hitik ng pagmamahal sa sariling bansa. Nangyari pa, ang liham ay nanggaling pa sa abroad. Nagulat at natuwa ako na marami pala ang nag-babasa ng Remate Tonight sa ibang bansa. Ano nga ba ang kaligayahan ng isang manunulat maliban pa sa pag-siwalat ng kanyang kaisipan? Hindi ba ito na yon, ang mainit na damdamin ng isang nagbabasa? Ang kaligayahan na ito ay hindi mabibili ng salapi.
Malaki ang pasasalamat ko sa Remate Tonight na nabigyan nila ako ng pagkakataon na mailabas ang Bantay Gobyerno. Sa tingin ko, matutupad na rin ang pangarap ko na ang isang diyaryo ay magiging instrumento sa pag-mungkahi ng kaayusan sa gobyerno, para sa kapakanan ng mga taong bayan.

Ano man ang sasabihin ng iba, dapat mabigyan pansin ng gobyerno ang pangamba ni Julie na nagkaroon nga ng dayaan sa eleksyon na nakalipas. Simpleng tao nga siya ayon sa kanya, si Julie ay kabilang sa maraming OFW na nagbibigay buhay sa bansa dahil sa kanilang mga remittances sa atin.

Ang layunin ng Bantay Gobyerno ay hindi manira sa mga opisyal ng pamahalaan. Ang layunin ko ay hindi maghanap ng away, kundi ang maghanap ng kabutihan para sa magandang pamamahala. Sana katulad ni Julie, mag-sumbong o di kaya mag-react na rin kayo sa mga isusulat ko, upang lumaganap at lumakas ang Bantay Gobyerno. Ang column na ito ay para sa lahat, handog sa inyo ng Remate Tonight.

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home