ANG VAT SA TOLL AY TAX ON TAX
BANTAY GOBYERNO SERIES 012
Ni Ka Iking Seneres
ANG VAT SA TOLL AY TAX ON TAX
Na interview ko si Senator Juan Ponce Enrile sa aking TV show at sinabi niya on the air na ang mungkahi ng BIR na magpataw ng VAT sa toll ay hindi lamang unconstitutional, ito ay isang paraan na magpataw ng isa pang karagdagang tax sa isang tax na napataw na.
Sinabi ni Manong Johnny na talagang tungkulin ng gobyerno ang magbigay ng mga basic services katulad ng tubig at kuryente at sa pagbibigay nito ng mga services, hindi na dapat patawan pa ng mga buwis. Ayon sa kanyang pananaw, ang pagpagawa ng mga daan ay tungkulin din ng gobyerno, at hindi na nga dapat patawan ng tax ang pag-gamit ng mga daan kasama ang mga tollways.
Natutuwa naman ako at sumasang-ayon si Manong Johnny sa pinaglalaban ng National Council for Commuter Protection (NCCP) na lababan ang pagpataw ng VAT sa toll. Sa tingin ko, segurado na ang kanyang panalo dahil number four na yata siya sa survey. Kung nagkataon na mananalo din ang NCCP bilang party list, magkakaroon na rin siya ng kakampi sa Congress sa katauhan ng mga NCCP nominees. Ang NCCP ay nasa balota na bilang party list number 163.
Lumabas na ang totoong istorya kung bakit na disqualify daw diumano ang NCCP bilang party list. Ayon sa unang pagtingin ng Comelec, inakala nilang walang mass support ang NCCP dahil sa maling basa na dalawa lang ang regional offices ng NCCP. Mabuti na lang at nalinawan na baliktad pala ang basa, dahil sa buong Pilipinas, dalawa lang ang region na walang opisina ang NCCP. Dahil dito, nanatili pa rin sa balota ang NCCP bilang numero 163.
Nakasakay na ba kayo ng habal-habal o di kaya ng skylab? Ang habal-habal ay isang sistema ng transport kung saan ang pasahero ay nakasakay lamang sa likod ng motorcycle driver, kung minsan tatluhan kung minsan apatan hindi ko alam kung papaano! Ang skylab naman ay parang habal-habal din ngunit ang mga pasahero ay nakasakay sa magkabilang panig ng motorcycle sa pamamagitan ng mga kahoy sa tabi na parang mga katig ng bangka. Nakakatuwa itong tingnan, ngunit hindi nakakatawa ang panganib na hinaharap ng mga pasahero na tiyak na walang insurance pa.
Isa sa mga panukala ng NCCP party list number 163 ang pagbibigay ng mga incentives para sa mga industriya ng transport upang maging moderno at ligtas ang kanilang mga sasakyan. Kasama na rin diyan siyempre ang pagpa-baba ng pasahe, dahil kung may matanggap na tulong ang mga transport sa pagbili ng sasakyan, bababa din ang kanilang investment.
Dahil sa kakulangan ng sasakyan sa mga probinsiya, nauso na nga ang habal-habal, skylab at pati na rin ang kuliglig, isang sasakyan na hinihila ng hand tractor. Dahil sa walang masakyan, mapamaraan ang mga Pinoy kaya kahit papaano nakakaraos din.
Ang insurance para sa mga public transport ay mahalagang issue dahil bahagi ito ng commuter protection. Kawawa naman talaga ang mga pasahero kung may aksidente at kung wala silang matanggap na damages. On the other hand, parang hindi naman kaya ng mga operator ng habal-habal, skylab at kuliglig na bumili ng insurance. Ano kaya ang dapat nating gawin?
Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com
0 Comments:
Post a Comment
<< Home