KONTRATA SA TAXI BAWAL
BANTAY GOBYERNO SERIES 011
Ni Ka Iking Seneres
KONTRATA SA TAXI BAWAL
Nagsumbong si Mr. Olan Steiner, isang Amerikano na ibinaba daw siya ng isang taxi at iniwan sa highway dahil ayaw niyang magbayad ng 700 pesos upang ihatid siya sa Alabang. Ayon sa kuwento ni Mr. Steiner, pinasakay na siya ng taxi driver bago siya inalok ng kontrata, at nang hindi siya, pumayag, pinababa na lang siya at iniwan siya sa highway.
Hindi turista si Mr. Steiner, dahil maari siyang ituring na balikbayan. Bagamat siya ay isang Amerikano, siya ay may asawa na Pilipina na kasama niyang umuwi upang mag-retire dito sa Pilipinas.
Dalawa ang punto ko sa usapan na ito. Kung nagkataon na turista si Mr. Steiner, nakakahiya na, nakakahinayang pa dahil talagang hindi na siya babalik at sasabihin pa niya sa kanyang mga kababayan na huwag na pumunta dito. Nagkataon nga lang na retiree siya, kaya masama pa rin ang nangyari, dahil tinutulak ng gobyerno ang retirement program upang magkaroon tayo ng mga dayuhan na investors.
Ayon sa National Council for Commuter Protection (NCCP), hindi dapat tinatanggihang isakay ng ano mang pangpublikong sasakyan ang sino mang pasahero, lalo na ang taxi. Kasama ang puntong ito sa mga karapatan ng mga commuters na kinakampanya ng NCCP. Dagdag pa ng NCCP na dapat maihatid sa patunguhan ng magalang na driver ang pasahero.
Binigyan ko ng NCCP Incident Report Form si Mr. Steiner upang maisumbong niya sa LTFRB ang pangyayari. Bagamat masipag naman ang LTFRB sa pag-tanggap ng mga reklamo ng mga pasahero, marami pa ring violation sa mga karapatan ng commuters ang nangyayari. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naisipan ng pamunuan ng NCCP na maging party list, upang magpasa pa ng mga batas na magbibigay ng higit pa na kapangyarihan sa LTFRB na habulin ang mga tiwaling driver na lumalabag sa batas. Ang NCCP ay kasama na sa balota bilang party list number 163.
Lumabas sa balita na na disqualify diumano ang NCCP bilang party list. Huwag kayong mabahala sa balita na ito, dahil nasa balota na ang NCCP at tuloy pa rin ang pagtakbo nito para sa kongreso.
Nabasa ni Mr. Herman Tiu Laurel ang aking column at sumang-ayon siya sa panukala ng NCCP na labanan ang pagpataw ng VAT sa toll fees. Ayon kay Ka Mentong, dapat daw magkaroon ng lie-in sa SLEX at NLEX upang makarating sa gobyerno ang mahigpit na pagtutol ng mga tao sa panukala na ito. Sang-ayon siya sa aking sinulat na para na ring double taxation ang mangyayari kung matuloy ang VAT na ito. Dagdag pa ni Ka Mentong, dapat magkaroon ng maraming media sa lie-in, upang lumabas kaagad sa balita ang protesta na gagawin. Isang malaking karangalan para sa isang kulumnista na katulad ko na basahin ng isang kapwa kulumnista na katulad ni Ka Mentong.
Bilang reaction sa sinabi ni Ka Mentong, sinabi rin ni Ms. Elvie Medina ang founder ng NCCP na may tumawag na sa kanya na mga bus operators na handang mag-barikada sa SLEX at NLEX kung saka-sakaling itutuloy pa ng gobyerno ang VAT. Sana mabasa ng mga tamang opisyal ng gobyerno ang column na ito, upang iatras na nila ang VAT kaagad-agad.
Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com
0 Comments:
Post a Comment
<< Home