Ka Iking Libre

An online forum of development issues in the Philippines

Tuesday, April 27, 2010

LABANAN ANG PAGPATAW NG VAT SA TOLL

BANTAY GOBYERNO SERIES 010
Ni Ka Iking Seneres

LABANAN ANG PAGPATAW NG VAT SA TOLL

Nagsumbong si Ms. Elvie Medina, ang founder ng National Council for Commuter Protection (NCCP) na may balak na naman daw ang BIR na magpataw ng VAT sa mga toll fees ng SLEX at NLEX. Masama daw ito ayon kay Ms. Medina, dahil kung may VAT na sa toll, tiyak na tataas na rin ang bayad sa toll dahil tiyak na ipapasa ng mga toll operators ang gastos nila sa VAT sa mga motorista.

Of course ang mga motorista ang unang magiging biktima ng pagtaas ng VAT sa toll, ngunit tiyak na ang mga commuters na rin ang susunod na magiging biktima, dahil kung tataas ang toll, tiyak na tataas na rin ang pasahe sa mga bus na dumadaan sa toll roads. Wika nga, parang domino effect ito. Ang mangyayari pa, baka tumaas na rin ang halaga ng mga bilihin, dahil ang mga truck na nagdadala ng mga paninda ay tataasan na rin ang toll.

Ang NCCP ay isa nang party list ngayon at kasama na sila sa balota ngayong election bilang party list number 163. Sang-ayon ako sa panawagan ng NCCP na labanan ang pagpataw ng VAT sa toll, dahil sa aking pananaw, ito ay isang paraan ng double taxation.

Sa totoo lang, ang mga tao ay nagbabayad na ng income tax at nagbabayad na rin ng VAT sa mga bilihin, sa pag-asa na ang gobyerno ay magpapagawa ng mga infrastructure katulad ng mga highway. Sa malungkot na pangyayari, napupunta sa corruption ang malaking collection ng BIR, kaya naman nauwi tayo sa situation na kailangan na payagan ang mga private toll operators na magtayo ng mga highway. Kaya naman kahit nagbayad na tayo ng tax, nagbabayad pa tayo ng toll. Sa ngayon, gusto pa ng BIR na magbayad tayo ng VAT sa toll, kaya double taxation na ito, doble parusa pa.

Malaki ang bilib ko sa NCCP, dahil matagumpay na ito sa pagpababa ng pasahe ng dalawang beses. Kaya ng 7 pesos na lang ang pasahe ngayon, dahil sa pagtutol ng NCCP na taasan pa ito. Matagumpay na rin ang NCCP ng isang beses sa paglaban sa pagtaas ng toll sa SLEX, kaya naman medyo mababa pa ngayon ang bayad ng mga motorista. Sana magtagumpay ulit ngayon ang NCCP sa paglaban sa pagpataw ng VAT sa toll.
Kung nakinabang na tayo sa ginawa ng NCCP na labanan ang pagtaas ng pasahe at ng toll sa SLEX, ano kaya kung maging matagumpay sila sa pagpanalo ng mga kinatawan sa kongreso dahil sila ngayon ay tumatakbong party list number 163? Wala pa nga silang mga congressman, malaki na ang kanilang nagawa, ano pa kaya kung nasa congress na sila? Ang pagkakaroon ng mga congressman ang matinding paraan upang mabigyan ng protection ang mga karapatan ng mga commuters. Kaya na nating gawin ito, kaya gawin natin ito sa araw ng election.

Masasabi natin na maraming party list ngayon na peke, na hindi naman talaga marginalized. May mga party list na wala naman talagang kinalaman sa mga sectors. Ngunit ang NCCP ay tunay na kumakatawan sa lahat ng mga commuters, mga mayayaman man sila o mahihirap. Kung nais ninyo makiisa sa NCCP, mag log on kayo sa http://nccp.webs.com o di kaya mag text kayo sa 09276330526. Maari kayong tumawag sa 331-6227 o magpadala ng fax sa 559-3381.

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home