Ka Iking Libre

An online forum of development issues in the Philippines

Sunday, May 02, 2010

MABABAW NA KALIGAYAHAN

BANTAY GOBYERNO SERIES 015
Ni Ka Iking Seneres

MABABAW NA KALIGAYAHAN

Napanood ko ang isang matandang babae habang kinakalkal niya ang isang basurahan, dahil naghahanap siya ng mga bote, lata at plastic para maebenta niya. Sa tanda niya, halos hindi na niya maitulak ang kanyang kariton at halos hindi na niya ako makita nang binigyan ko siya ng kaunting pera.

Si tingin ko sa kanya, dapat nasa bahay na lang siya o di kaya nasa home for the aged na siya upang maalagaan. Naisip ko lang, bakit walang home for the aged dito sa atin, samantalang marami namang ganyang home sa abroad? Wala kaya ito sa ating kaisipan?

Sa tingin ko rin, ang pagpapatayo ng mga home for the aged ay isang tungkulin ng local government, kung ito sana ay pumasok sa isipan ng mga local mayor at konsehal. Kaya nga lang, sa larangan ng pulitika, hindi naman ito bibigyan ng pansin ng mga pulitiko, kung ang mga botante ay hindi humingi nito, at magpilit na magkaroon nito.

Napanood ko rin ang isang mag-ina habang sila ay naka-upo sa bangketa sa kalaliman ng gabi. Tinanong ko ang aking anak kung ano sa tingin niya ang ginagawa nila, at ang sabi niya ay maaring wala silang mapuntahan o di kaya wala silang mauwian.

Dahil sa nakita ko, naisip ko rin na dapat ding magkaroon ng homeless shelters dito sa Pilipinas, at tungkulin din ng mga local governments na magpatayo nito. Dagdag ko pa diyan, dapat din sana na magkaroon ng mga public parks sa lahat ng mga lugar, upang may mapuntahan ang mga tao kung sila ay nalalagay sa alanganin.

Napanood ko rin ang maraming tao na naghihintay ng masakyan sa init at ulan, kaya nagtanong ako sa aking sarili kung bakit walang mga tamang transport terminals dito sa atin. Mabuti na lang may mga sariling terminal ang mga pribadong kumpanya ng bus, ngunit kulang pa talaga.

Kung ang mga tao ay hindi nagre-reklamo sa kakulangan ng serbisyo ng gobyerno, maaring mababaw lang talaga ang kaligayahan nila. Hindi ito sapat na dahilan upang magpabaya ang gobyerno na local at national.
Mabuti na lang at kahit nagpapabaya ang gobyerno, may mga NGO na kumikilos upang mabigyan ng serbisyo ang mga tao. Mabuti na rin at ang ibang NGO ay naging party list na rin, kaya may chance na sila na dalhin ang kanilang mga panukala sa kongreso.

Wala pa akong alam na party list na nagmumungkahi ng home for the aged at homeless shelters, ngunit alam ko na ang National Council for Commuter Protection (NCCP) na tumatakbo ngayon bilang party list number 163 ay nagmumungkahi na ng mga bagong transport terminals.

Hindi lang transport terminals ang mungkahi ng NCCP, kasama na din sa advocacy nila ang mga ligtas na sasakyan at mga ligtas na daan upang maiwasan na rin ang aksidente at krimen. Sa madaling sabi, dapat taasan ng mga tao ang kanilang kaligayahan, upang mapilitan ang mga local at national government na ibigay sa kanila ang mga serbisyo na nararapat sa kanila. Sila nga ang nagbabayad ng buwis at nagbibigay ng boto, di ba?

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home