Ka Iking Libre

An online forum of development issues in the Philippines

Wednesday, May 12, 2010

PILAHAN SA BOTOHAN

BANTAY GOBYERNO SERIES 016
Ni Ka Iking Seneres

PILAHAN SA BOTOHAN

Inabot ako ng dalawang oras sa pagboto dahil sa haba ng pila at nalaman ko na marami ang hindi nakaboto dahil umuwi na lang sila at ang iba naman ay inabot na ng deadline na alas siete kaya hindi na nakahabol. Samantala, ang sabi naman ng COMELEC ay halos 80% daw ang turnout, sinabi nila ito sa unang araw pa lang ng bilangan.

Naintindihan ko na estimate lang ang sinabi ng COMELEC, ngunit bakit nag-estimate na kaagad sila kahit hindi pa tapos ang bilangan? Ayon kay presidential candidate Nicanor Perlas, maaring umabot sa 30% ang hindi nakaboto kahit sila man ay nag-turnout. Ganoon pa man, sinabi pa rin ng COMELEC na “fairly successful” daw ang election.

Na-interview ko si ex-mayor Lito Atienza at pinakita niya sa akin ang resulta ng random manual audit sa Manila, kung saan hindi nag-tugma ang manual count sa optical count sa walong presinto na nagkaroon ng audit. Ayon sa kanya, 30 presinto ang dapat na-audit, ngunit pinatigil na ng PPCRV ang audit nang lumabas na 100% sa walong presinto ang may pagkakaiba sa bilang.

Wala akong duda na ang lumabas na resulta sa national level ay tama, kaya sa tingin ko, tunay na nangunguna na talaga si Aquino, si Binay at ang labing dalawang senador. Ang mungkahi ko lang sa COMELEC, dapat ma-repaso nila ang resulta ng local candidates, dahil mukhang sa local nagkaroon ng problema.

Isang araw bago nag-election, sinabi ng COMELEC na all systems go na raw sila, dahil 98% ready na raw sila. Ano kaya ang batayan nila sa pagsabi nito? Pagkatapos ng botohan, sinabi ng COMELEC na umabot daw sa 400 makina ang hindi nag-function. Sa bilang ko, 5% ito ng lahat ng makina.

Ayon sa rules ng bidding sa automation, dapat 99.995% percent ang accuracy ng pag-bilang ng makina. Ang ibig sabihin niyan, sa bawat 20,000 na balota, isa lang dapat ang maling basa ng makina. Kung 5% ang makina na may problema, maaring umabot ng higit pa sa isa ang nagkamaling basahin, kaya lagpas na ito sa requirement ng bidding.
Bilang anchor sa Global News Network at bilang guest sa iba-ibang station ng radio at television, nanawagan ako sa COMELEC na pag-bigyan na ang independent audi ng lahat ng makina, upang malaman talaga kung “fairly successful” nga ang botohan at bilangan o hindi. Hindi dapat ang COMELEC ang magsabi na matagumpay sila. Dapat iba ang magsabi nito.

Ayon kay Obet Verzola na isang tanyag na computer expert, kulang ang testing ng isang makina kung sampu lamang ang bibilangin. Dapat daw 1,700 na balota ang bilangin. Tapos na naman ang election, bakit hindi pa pag-bigyan ng COMELEC ang independent audit?

Ayon naman sa na-interview ko na spokesman ng SMARTMATIC, “read only” daw ang mga compact flash card. Sinabi ka sa kanya na impossible yan, dahil ang mga memory cards ay maaring burahin at sulatan ulit. Sa tingin ko, hindi napalitan ang mga defective na flash cards, kaya nag-recycle na lamang sila. Maaring ito ang dahilan nga maraming pagkakamali.

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home