Ka Iking Libre

An online forum of development issues in the Philippines

Saturday, May 22, 2010

GOBYERNO DAPAT MAG-TEXT NA RIN

BANTAY GOBYERNO SERIES 022
Ni Ka Iking Seneres

GOBYERNO DAPAT MAG-TEXT NA RIN

Sa dami ng mga Pilipino na gumagamit ng cell phone, panahon na para sa gobyerno na gumamit na rin ng text messaging upang mapalaganap at mapaganda ang kanilang serbisyo sa publiko.

Ang mga tao ay sanay na na mag-text sa kapwa tao. Ang mga kawani naman ng gobyerno ay mga tao rin, kaya sanay na rin silang mag-text sa kapwa nila tao. Ang gobyerno ay hindi tao, ngunit marami naman silang mga kawani, mga taong sanay na rin mag-text sa kapwa tao.

Masaklap man sabihin, hindi pa nagagamit ng tama ng gobyerno ang simpleng technology ng telepono. Kahit ngayon na uso na ang mga call center at malaking bahagi na ito ng Business Process Outsourcing (BPO), hindi pa rin nakakabigay ng tamang serbisyo ang gobyerno sa pamamagitan ng telepono, at halos wala pa rin sa kanilang gumagamit ng call center.

Subukan mong tumawag sa kahit anong ahensiya ng gobyerno, at ipapasa-pasa ka lang sa iba’t ibang tao hanggang sa mapagod ka na. kung may makasagot man, sasabihin niyang hindi niya alam ang sagot sa tanong mo, o di kaya sasabihin niyang absent ang in-charge kaya tumawag ka na lang ulit.

Marami na rin ang ahensiya ng gobyerno na gumagamit ng 4 digit SMS gateway, katulad ng GSIS 4747, PHILHEALTH 2960 at PIA 1345. Sinubukan ko ang tatlong ito at walang nag-reply. May combined service ang gobyerno sa 2920, at doon may nag-reply. Ang problema sa 4 digit number, may bayad pa na 2.50 pesos, kaya ang dating, nagiging negosyo pag-bibigay ng serbisyo ng gobyerno. Ang pangit ng dating di ba?

Dalawang ahensiya lamang ng gobyerno ang alam ko na may 11 digit SMS number (hindi gateway at piso lang ang bayad). Ito ang PNP 09178475757 at LTFRB 09214487777. May sumasagot sa PNP, walang sumasagot sa LTFRB, kaya sayang lang ang piso ninyo. Parang palabas lang ang numero ng LTFRB, at nakakahiya pa.

Tao ang sumasagot sa numero ng PNP, at hindi computer. Maganda yan at tama yan, ngunit mas maganda at mas tama kung ang sumasagot ay halong computer at halong tao, kasi kung marami na ang nagtatanong, hindi na kaya ng tao na sumagot. Marahil yan ang dahilan kung bakit mabagal ang sagot ng tao na umasikaso sa akin sa PNP number, dahil matagal siya sumagot.

May mga software na ngayon kung saan maari nang sumagot ang isang kumpanya na pribado o di kaya isang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng text. Nakakabit na ito sa computer, kaya madali na ring pagsamahin ang pagsagot ng computer sa automated na paraan, ngunit may kasama pa rin na pagsagot ng tao sa manual na paraan.

Automated man o manual, dapat na talaga na ang gobyerno ay gumamit na ng text messaging, upang mapabilis at mapadali ang kanilang serbisyo sa mga tao. Dahil pangit ang dating, huwag n asana gumamit ang gobyerno ng 4 digit gateway number. Tama na kumita ang gobyerno sa taxes, huwag na silang doble kita kung may kita pa sila sa text. Kung gusto nila ng software, willing naman ako na tulungan sila.

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home