Ka Iking Libre

An online forum of development issues in the Philippines

Saturday, May 22, 2010

WALANG MOBILE POLICE PATROL CARS

BANTAY GOBYERNO SERIES 021
Ni Ka Iking Seneres

WALANG MOBILE POLICE PATROL CARS

Halos wala tayong nakikitang mga mobile police patrol cars sa mga lansangan. Kung minsan, may nakikita tayong mga patrol car sa mga malalaking kalye, ngunit kakaunti din lang. Sa mga maliliit na bayan, masuerte ka na kung makakita ka ng mga patrol car sa mga baryo. Bakit ba ganito ang nangyayari sa atin? Hindi ba tungkulin ng Philippine National Police (PNP) na bumili at magpakalat ng mga patrol cars?

Sa mga malalaking siyudad katulad ng Makati City, naging gawain na ng mga mayor na bumili ng mga police car upang ipamigay sa local PNP. Kung minsan, sagot na rin nila ang gasolina. Dahil sa kagandahang loob ng iilang mga matitinong mayor, nagkakaroon ng mga police cars na umiikot sa buong siyudad, upang mabantayan ang kaligtasan ng mga tao.

Sa mga maliliit na siyudad naman, kung wala silang ibinibigay sa local PNP, ay halos wala na rin tayong nakikitang police car, sa downtown man o sa baryo. Sa tingin ko, maliit man o malaki ang siyudad, dapat magkaroon ng mga police car, di bale kung sino ang bumili, ang siyudad man o ang PNP. Sa tingin ko, maliit man ang siyudad, dapat maghanap ng paraan ang mayor upang makabili ng police car, dahil priority dapat ang peace and order.

Sa aking pagkakaalam, may budget naman dapat ang PNP para sa pagbili ng mga police cars na dapat nilang pinamimigay sa mga local police units nila. Kung wala silang budget para sa ganito, ano pa ang silbi nila? Madalas yata mangyari na iniipit ng PNP headquarters ang perang pambili ng mga police cars, at ginagawmit sa ibang paraan o di kaya kinukurakot na lamang, kaya walang nabibili.

Attention Commission on Audit (COA): dapat kayong mag-audit upang mahuli ninyo ang kung sino man na umiipit ng budget para sa mga police cars. Kung ang budget nay an ay ginagamit sa ibang gastos maliban sa police cars, bawal yan at technical malversation yan at dapat kasuhan ang may kasalanan sa Ombudsman.

Attention House Speaker Prospero Nograles: dapat mong tingnan kung papaano ginagamit ng PNP ang budget para sa police cars. Kung kulang, dapat mong dagdagan. Kung mayroon at ginagamit sa ibang gastos, dapat mo sialng sitahin sa susunod na budget hearing. Tingnan mo na rin ang budget para sa gasoline. Papaano naman tatakbo ang mga kotse na yan kung walang gasolina?

Nag-reklamo ako sa complaints number ng PNP (+639178475757). Ang sagot sa akin, wala naman daw dapat problema kung tahimik naman ang lugar ko, at baka mayroon pa naman daw ibang lugar na dapat ikutan. Sinagot ko sila na duty ng PNP na umikot sa lahat ng mga lugar, at karapatan ko na maka-tanggap ng 24 hours police protection, dahil kapalit yan ng tax money na binabayaran ng mga mamamayan.

Ilang taon na nag-titiis ang mga tao na walang police cars sa mga lugar nila? Marahil, kakaunti lang ang nag-rereklamo, kaya dedma lang sila. Dapat na ngang mag-ingay ang mga kasapi ng Bantay Gobyerno upang magising sila. Kung walang nag-rereklamo, walang umaakto kaya walang nangyayari.

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home