APAT NA KLASENG POLLUTION
BANTAY GOBYERNO SERIES 025
Ni Ka Iking Seneres
APAT NA KLASENG POLLUTION
Mahirap ipaliwanag ang problema sa environment, ngunit mas madaling maintinduhan ito kung ang pag-uusapan natin ay pollution, ang lahat ng klase ng pollution. Tatlong klase ng pollution ang alam ng halos lahat. Ang mga ito ay air pollution, water pollution at land pollution o di kaya soil pollution. Sa tingin ko, dapat na rin isama ang ikaapat na pollution, at yan ang noise pollution.
Ano pa ang silbi ng malinis na kapaligiran kung maingay naman sa mga kalye at pamamahay natin? Mas higit pa ang problema kung mainit na nga, maingay pa, at madumi pa ang hangin, tubig at lupa. Dapat ang lahat ng ito ay gawan ng solution ng gobyerno, dahil mahalaga ang mga ito sa ating pamumuhay at kabuhayan, hindi lamang ang kahirapan at corruption.
Nanghinayang ako na natalo si Cong. Neric Acosta nang tumakbo siya bilang senador, dahil sa lahat ng kandidato, siya ang mas higit na nakaka-intindi sa problema ng environment. Siya ang author ng maraming batas tungkol sa environment, katulad ng clean air act at clean water act. Dahil umabot halos ng anim na milyon ang nakuha niya na boto, naniniwala ako na marami na rin ang nagbibigay kahalagaan sa kalikasan.
Naka-usap ko si Neric, at sinabi ko sa kanya ang aking wish ko na sana, siya na ang manguna upang pag-isahin ang iba’t ibang grupo na kumikilos para sa kalikasan, dahil sa lahat ng mga lider ng kilusan para sa environment, siya lang ang makakasabi na may milyon milyon siyang supporter. Pumayag naman siya, kaya abangan ang susunod na kabanata sa usapang ito.
Marami ang mga grupo at mga lider na kumikilos para sa environment, ngunit sa tingin ko, halos hindi sila nag-uusap at medyo kulang sila ng coordination sa isa’t isa. Ito nga ang wish ko na gagawin ni Neric, na pag-iisahin niya ang mga lider na ito at pag-uusapin niya.
Common sense lang na ang pag-kilos upang mapaganda ang kalikasan ay mapag-isa na. Walang kuwenta kung malinis ang tubig, kung madumi naman ang hangin. Malinis nga ang lupa, madumi naman ang tubig. Dagdag pa diyan, problema pa rin kung matindi ang ingay sa kapaligiran.
Konektado ang problema sa tubig, hangin, lupa at ingay. Kung walang tubig, lalung nagiging mainit ang panahon. Kung madumi ang hangin, lalung umiinit. At kung madumi ng lupa, lalung nagiging barado ang mga ilog, lawa at dagat, kaya nagiging mas matindi ang baha kung may bagyo.
Ang pollution ang isa sa mga dahilan kung bakit tumitindi ang climate change at global warming. Ang dalawang problema na ito ang nagiging sanhi rin kung bakit nagiging grabe na rin ang problema sa kahirapan at kawalan ng hanapbuhay.
Ayon kay Presidential front runner Noynoy Aquino, tatanggalin niya ang corruption upang mawala ang kahirapan. Magandang layunin yan, ngunit sana tanggalin niya rin ang pollution, dahil may kaugnayan din ang pollution sa pag-tindi ng kahirapan. Kapwa matinding problema ang corruption at pollution, kaya dapat sabay sabay itong tumbahin ni Noynoy, at hindi dapat paisa-isa ang kanyang pagbigay pansin sa problema.
Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com
0 Comments:
Post a Comment
<< Home